Sunday, September 12, 2010

Who's the first celebrity voted out of Survivor Philippines?

Sa unang pagkakataon, may napatalsik na castaway sa Survivor Philippines: Celebrity Edition mula sa Magan Tribe. Ngunit hindi katulad ng ibang botohan, isang tao lang ang pumili kung sino ang nais niyang patalsikin sa isla.

Sa episode ng Survivor Philippines: Celebrity Edition nitong Biyernes, maging si Buhawi Meneses, miyembro ng Parokya ni Edgar at lider ng tribu, ay nagulat nang ihayag ng host na si Richard Gutierrez na siya lamang at hindi ang buong miyembro ng tribe ang pipili ng patatalsikin.

At nang basahin ni Richard ang isinulat ni Buhawi, inihayag nito ang pangalan ng tinaguriang “The Boss" na si Doc Ferz Recio, host ng Born to Be Wild.

Si Doc Ferz ang ikalawang celebrity na napatalsik sa isla. But unlike Doc Ferz, last week ay nag-quit si Starstruck V avenger Princess “Ang Pasaway" Snell, nang hindi na niya matiis ang gutom at sobrang depresyon sa isla.

Bago ang pagboto ni Buhawi, tinanong ni Richard ang tribe members kung sino sa kanilang mga kasama ang nais nilang mawala. Ang pangalan ni Doc Ferz ang pinili ni Myka Flores ng Bubble Gang, na sa dating episode ay naglabas ng sintemyento sa pagiging “pala-utos" ng resident vet ng Born To Be Wild.

Nagulat si Doc Ferz sa pagpili sa kanya ni Myka dahil siya pa nga raw ang nagpayo rito na magpakatatag at huwag sumuko nang mga araw na gusto na rin nitong sumunod kay Princess.

Sa kabila ng kanyang pagkakatanggal, sinabi ni Doc Ferz na iginagalang niya ang pasya ni Buhawi at hangad niya na manalo pa rin ang kanyang tribu sa mga susunod na challenges. – Fidel R Jimenez, GMANews.TV

source: http://www.gmanews.tv/story/200741/whos-the-first-celebrity-voted-out-of-survivor-philippines

Liket it? Bookmark it!

Bookmark and Share

Miss Universe and Beautiful sexy girl